Pages

Saturday, May 25, 2013

Isang Paalala

I got this photo from, here.


Mahal kong Pilipinas
Wari nawala ang 'yong landas
Baon sa kahirapan, 
Korupsyon at anu pa man

Ang kalayaan ay binali wala
Ng muling pagboto ng mga walang nagawa
At ngayong sila'y naupo muli
Tayo'y muling magrereklamo ng paulit ulit

At lahat ng problema sila'y dahilan
At hindi natatapos ito, kaibigan
Tuwing halalan, ito ang resulta
Panahon pa nina Lolo at Lola

Ako'y nagmamalimos sa inyo,
Na sa susunod, tayo ay magbago
Hindi na ang trapo'y mailagay
Kundi ang taong may pusong na inaalay

Salamat po,
Na binasa ninyo ang tulang ito
At  sana naman tayo'y bumago
At tama na ang ating ibinoboto


AMDG,
the child blogger

No comments:

Post a Comment